Solenn Heusaff pranks husband Nico Bolzico

Solenn Heussaff and Nico Bolzico are indeed such a great pair when it comes to 'kulitan'. I think this is their secret to a happy married life. Nico is such a one of a kind husband that any girl could ask for. Why? Nico isn't afraid or embarrassed to show his comedian side even to the point where he seems to be stupid sometimes at things (intentionally stupid). He loves to play the stupid one and Solenn just play along with him. This trait is not common to other husbands out there. 

Bago pa lang pinanganak ni Solenn ang baby girl nila, naisipan ni Solenn na i-prank si Nico tamang-tama sa kabuwanan ng kapanganakan niya. Of course, Nico was always ready for that moment. 

Nag-video pa nga si Solenn at pinost ito sa kanyang IG account. Makikita sa video nya na pababa na sya ng floor ng kanilang bahay kung saan nanduon si Nico sa sala nanunuod ng tv. 


Nilagay ni Solenn ang phone nya sa isang lalagyan na hindi nakikita ni Nico. Binuhusan ni Solenn ng tubig ang kanyang damit sa ibaba at yung sahig din para magmukhang totoo ang eksena. Pagkatapos nuon ay tinawag na ni Solenn si Nico at sumigaw ng 'Nico, I think my water just broke!'.

Sagot naman ni Nico ay 'WHAT???' na parang hindi alam ang gagawin. Talagang nataranta si Nico at biglang umakyat ng hagdan papunta sa kwarto nila para kunin yung bag na may lamang mga gamit pang-ospital. Natagalan si Nico sa itaas dahil hindi nya alam kung anong bag ang kukunin at si Solenn naman ay umaarte na parang inis na inis na dahil sa tagal ni Nico. Nuong bumaba na si Nico dala-dala ang bag ay nagalit si Solenn bakit walang laman ang bag na kinuha ni Nico.

Hinihila naman ni Nico si Solenn pababa ng hagdan para pumunta na ng ospital nang biglang tumawa si Solenn at nagtaka na si Nico bakit tumawa si Solenn gayung emergency naman yun. Pagkatapos ay biglang nagtanong si Nico 'it's a joke?' at tawang-tawa naman si Solenn.

Napa-luhod si Nico sa sobrang kaba na parang aatakihinsa puso. Ang ending, niyakap ni Solenn si Nico  para mapakalma nya dahil sa sobrang nerbyos. 

Hanggang ngayon ay hindi pa din pinapakita ni Solenn ang baby girl nila dahil baka hindi pa ready si Solenn. Excited na excited na at nag-aabang na ang mga netizen sa araw na ipapakita na ni Solenn yung mukha ni Thylanne para naman makita nila kung sino ang kamukha ni Thylanne.

Pero ayun sa IG story ni Nico, 80% ng mukha ay kay Solenn. So at least may hint na tayo. 

Comments

Popular Posts